Thursday, January 14, 2010

Salonpas

Grabe nabother naman ako. Pati yung pagpapasalamat ko nakakasakit pala ng ibang tao.
Sorry naman e sa di lang talaga ako magaling mag thank you. Naku kung alam mo lang iniisip ko nun kung pano ako mag te-tenk you. Kasi naman ang totoo natouch talaga ako na binilhan mo ako ng salonpas. Hindi yan sarcastic. Mababaw lang ako pramis. Madaling matawa, magaling magappreciate. Kahit sa mga sobrang simpleng bagay natutuwa. Nagtatanda ng mga quotable quotes ng mga kaibigan haha. Sorry kung "di (mo) naramdaman yung thank you" ko. Kahit ako pakiramdam ko ang insincere nga pakinggan. Ang weird weird pero alam mo bang nalungkot ako sa sinabi mo. E kasi sobrang baliktad e. Ang totoo super sincere yun.Oo alam ko namang di kapanipaniwala kaya sige my bad. Yun ata pinakamagandang bagay na ginawa mo para saken. Ay hindi pala. Yun palang tinetext mo ako at chinicheer habang umiiyak ako sa airport dahil naiwanan ako ng flight ko haha. E ayun nga kaya siguro nakakalungkot kasi tenk you na nga lang maisusukli ko sayo di ko pa magawa ng maayos. Basta tenk you. Sincere to. Peksman

No comments:

Post a Comment