Tuesday, January 26, 2010

May Perstaym Para sa Lahat ng Bagay

Woot! wala lang. Marunong naman akong mag sorry. Ang kaso nagsosorry lang ako pag kasalanan ko. Siyempre may pride din ako, tsaka never ako nahilig sa panunuyo. Kaya kung nagaantay ka ng sorry, sorry ka walang darating.

What you do unto others, you shouldn't get mad about when done unto you. Diba. Baka kasi masyado ka lang conceited. isip-isip muna konti. O pwede ring baka masyado ka lang nagfifeeling api haha. Basta ayun. Kung galit ka go lang. This is a free country. At kung ako man, di nagagalit for the same things - mga bagay na inis na inis ka pag ginagawa ko sayo pero kung ikaw makagawa ay aba bongga - well siguro prerogative ko na din yun.

Medyo nakakaasar yung dialogue mo kanina a! yung huling bitiw mo ng mga salita...ano nananakot ka? suntukan nalang! hahaha. kaso tagal na akong walang training e. Kaya wag nalang. Gusto ko pag naghamon ako ng suntukan siguradong basag yung mukha na kalaban ko. Tsaka medyo friends din naman tayo, may mga utang na loob din ako sayo. kaya ayun wag nalang. haha. Pero pag bigla mong natripan mag sabi ka lang a hahaha.

Kung sana di lang kita partner sa PE okay na e. kahit mga isang buwang walang imikan...kaso yun lang talaga e. bahala na. baka pag nagkasuntukan mas dumali ang pagbabati haha. Ay hindi, ikaw lang pala yung bati. haha

Saturday, January 16, 2010

Edi Ikaw na. Ikaw na ang Bahala

Akala mo ba wala-wala lang yun? Pinagkagastusan ko yun ng neurons. Pinagpaguran yun ng aking hypothalamus. Hay naku. Wag na nga lang kasi. Siguro nga mas okay nang magsabi nalang ako ng isang beses, tapos bahala na sila kung ayaw nilang maniwala. bahala na kung di kapanipaniwala. Bahala nang di na nila kailan man malaman. Ayoko na ngang magpakabait di ata talaga meant e. Nadidisappoint lang ako e. Tapos pa marunong na akong maawa, marunong na akong mabother. This cannot be! No! Signs of weakness to. Kaya buti pa nga ikaw na. Ikaw na ang bahala. Ikaw na ang may korona! o ayan haha. tawa nalang ulit lagi. Pag malungkot na o kaya pagseryosohan na magsosolo nalang ulet ako. Ngayon, o sige tawanan. hahaha.

Thursday, January 14, 2010

Salonpas

Grabe nabother naman ako. Pati yung pagpapasalamat ko nakakasakit pala ng ibang tao.
Sorry naman e sa di lang talaga ako magaling mag thank you. Naku kung alam mo lang iniisip ko nun kung pano ako mag te-tenk you. Kasi naman ang totoo natouch talaga ako na binilhan mo ako ng salonpas. Hindi yan sarcastic. Mababaw lang ako pramis. Madaling matawa, magaling magappreciate. Kahit sa mga sobrang simpleng bagay natutuwa. Nagtatanda ng mga quotable quotes ng mga kaibigan haha. Sorry kung "di (mo) naramdaman yung thank you" ko. Kahit ako pakiramdam ko ang insincere nga pakinggan. Ang weird weird pero alam mo bang nalungkot ako sa sinabi mo. E kasi sobrang baliktad e. Ang totoo super sincere yun.Oo alam ko namang di kapanipaniwala kaya sige my bad. Yun ata pinakamagandang bagay na ginawa mo para saken. Ay hindi pala. Yun palang tinetext mo ako at chinicheer habang umiiyak ako sa airport dahil naiwanan ako ng flight ko haha. E ayun nga kaya siguro nakakalungkot kasi tenk you na nga lang maisusukli ko sayo di ko pa magawa ng maayos. Basta tenk you. Sincere to. Peksman

Sunday, January 10, 2010