Tuesday, January 26, 2010

May Perstaym Para sa Lahat ng Bagay

Woot! wala lang. Marunong naman akong mag sorry. Ang kaso nagsosorry lang ako pag kasalanan ko. Siyempre may pride din ako, tsaka never ako nahilig sa panunuyo. Kaya kung nagaantay ka ng sorry, sorry ka walang darating.

What you do unto others, you shouldn't get mad about when done unto you. Diba. Baka kasi masyado ka lang conceited. isip-isip muna konti. O pwede ring baka masyado ka lang nagfifeeling api haha. Basta ayun. Kung galit ka go lang. This is a free country. At kung ako man, di nagagalit for the same things - mga bagay na inis na inis ka pag ginagawa ko sayo pero kung ikaw makagawa ay aba bongga - well siguro prerogative ko na din yun.

Medyo nakakaasar yung dialogue mo kanina a! yung huling bitiw mo ng mga salita...ano nananakot ka? suntukan nalang! hahaha. kaso tagal na akong walang training e. Kaya wag nalang. Gusto ko pag naghamon ako ng suntukan siguradong basag yung mukha na kalaban ko. Tsaka medyo friends din naman tayo, may mga utang na loob din ako sayo. kaya ayun wag nalang. haha. Pero pag bigla mong natripan mag sabi ka lang a hahaha.

Kung sana di lang kita partner sa PE okay na e. kahit mga isang buwang walang imikan...kaso yun lang talaga e. bahala na. baka pag nagkasuntukan mas dumali ang pagbabati haha. Ay hindi, ikaw lang pala yung bati. haha

No comments:

Post a Comment