Kung kelan isa nalang, tsaka ayaw ko na. Curly tops lang to; isang subo tapos. Kaso lang ayaw ko na. Ayoko na talaga. Kakaiba ang gabing 'to. Nasusura ako sa mga bagay na karaniwang gustung-gusto ko naman. Una, etong tsokolate, tapos yung internet at kompyuter. Nakatiklop ang laptop ko. Sawang-sawa ako ngayon sa kompyuter, pero halos hindi ko na alam kung pa'no maglibang nang hindi nag pe-facebook, nagta-tumblr, nagi-spider solitaire o kaya nagsi-Sims. Buti nalang pagkabuklat ko ng libro ko sa Plant Systematics saktong may papel. Iba parin pala talaga ang pakiramdam ng pagsusulat sa pagta-type - parang mas makahulugan ang nililikha ko,mas ramdam ang pagtapon ng mga ideya: itim na tinta sa dilaw na espasyo, kay ganda.
Mas ramdam ko rin ang pagkasabik sa pagtunog ng telepono. Minsan nakakaaliw din palang mag-antay, at malungkot. Alam mo kayang inaantay kita? Sana hindi. Para pwede pa akong umasang kung alam mo, hindi mo na ako pagaantayin pa...
Itatapon ko na 'tong tsokalate kasi nilalanggam na.
Sunday, October 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment