Siksik sa tao ang kalsada
Mga taong nagsisigawan, lumalaban
Andun siya
Nakahawak sa bisig ng ama
Ngumingiti sa mga kakilala
Maya't-maya'y nakikisigaw
Isang bala
Nabitawan ang bisig ng ama
Napahiga siya sa kalsada
Mata'y nakadilat, gulat na gulat
Dugong pula
Umagos sa sugat, ilong, taenga, mata
Nakadiin sa dibdib ang kamay ng ama
'Wag kang matakot
Sambit niya
Pilit pinipigil agos ng dugong pula
Nanginginig ang kamay ng ama
Ang totoo'y pareho silang takot na takot
Pikit mata
Nilunod ng mga sigaw ang hikbi at luha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment